Pages

Subscribe:

Sabado, Disyembre 17, 2011

Home:The Best Place to Spend Holiday


Christmas is a big holiday in the Phillipines. It’s so huge almost Filipino really go out of their way and takes time to prepare for this annual occasion. Though Christmas in the Phillipines may have been influenced by European traditions in the latter part of its history, it’s own traditions have surpassed the changing times. This has made Christmas in the Philippines quite unique. (Retrieved from http://www.philippinesinsider.com/events-festivals-holidays/christmas-in-the-philippines/)
Christmas holiday is here!
Time to relax.
Time to rest.
Time to enjoy.
Sabi nila, kapag college ka na (tulad ko), asahan mo ang tambak na assignments at projects na ibibigay ng teachers mo kahit during this season. Pero, hindi mo naman talaga kailangan na magpakaburo o magpakadalubhasa. Find time for your family and yourselves. Kung kaya mo gumala d’yan sa tabi-tabi o mag out-of-town, go! Pero, kung katulad kita na sanay na nasa bahay lang during this season at walang budget, puede pa din naman magplano o gamitin ang imagination. 
Ang plano ko? Sa bahay magspend ng christmas. (Sa Lumamapong Balagbag, Indang, Cavite. Diaz Residence. ) Bakit? My relatives live in Manila. ‘Pag ganitong christmas week, sila ang pumupunta sa amin. Sabi nga, pasko ang isa sa longest and most festive celebration. Oo nga, kaya more family bonding moments. With them, we enjoy the traditional celebration of Christmas
Sabi nila, mas masaya daw sila ‘pag sa amin nagcelebrate. S’yempre, chance din nila ‘yun para makatakas sa polusyon na hatid ng Maynila. (Hahaha!) ‘Pag dumating na sina tito, tita, ninong, ninang at sina pinsan, wow, mala-reunion ang dating. (At asahan mo na ang biyaya from them. =) ). 

            Christmas decor. Hindi kami mahilig maglagay ng decorations. (Uhm, sakto lang.) Wala kaming Christmas tree ‘pag pasko. Hindi na din kami naglalagay ng Christmas light. (Baka daw kasi maging reason pa ng sunog sa bahay.) Ok na sa amin ‘yung may star lantern tsaka mallit na  medias ni Santa Claus (na bigay lang sa akin ng tita ko.)
             Simbang gabi? Mawawala ba naman ‘yun? Kapag nasa amin sila, mas masaya daw magsimba. Oo nga naman kasi sama-sama kami. Ang masaya pa nito, may kainan after ng mass. (Pinakahihintay ng madla.) May pagkakataon nga lamang  na nagkakatamaran din gumising ng maaga. (Malamig kasi.)
            “Jingle bells… jingle bells…” Carolling. Ok lng tumapat sa aming bahay basta ayos lang din ‘yung pagkanta lalo na ng mga bata. (Thank you… thank you…Ang babait ninyo… Thank you! Hirit pa nila kapag nabigyan mo ng bente pesos.) Tapos, maya-maya, andyan na ang mga barangay kagawad, SK, PTA officers ng elementary school sa amin, mga nanay ng day care students at samahan ng malalakas ang trip (pero sila ang pinakanakakatuwa sa lahat), uhm, share your blessings
            Gala-gala. Isa ito sa pinakamasayang moment. Pupuntang mall. Bibili ng ganyan. Bibili ng ganito. Libre naman nila eh. Minsan, manunuod din ng MMFF movie. (Treat ulit nila.)
            Noche Buena. ‘Eto ang masaya. Kainan! Tulong tulong muna sa pagpiprepare ng foods. Then, sabay sabay kami kakain. Hindi uso sa amin ang letson. Ang ham, minsan lang. Pero, the best ang spaghettie, fruit salad, barbeque, hotdog, graham cake, leche plan, ice cream… Uhm, pero what count most is ‘yung bonding moment namin. Super saya talaga.
            Kahit na hindi ko iwan ang Indang ‘pag pasko, feel ko naman na ang Christmas is time for family, time for giving and a time for a warm friendship ‘ika nga. (Naks!)

Merry Christmas folks!
adferaer

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento