Pages

Subscribe:

Biyernes, Enero 13, 2012

On My Third Year in College



May 2009, nag-enrol ako sa CvSU. BS Computer Science ang kursong pinili ko na apat na taon kong bubunuin. (Whew!) Bakit ako nagComSci? Uhm, sa lahat ng school kung saan ako kumuha ng entrance exams, lagi akong may nilalagay na IT o CS sa mga course choices ko. Gusto ko naman talaga bagama’t hindi ito ang first choice ko. Kaya nung high school eh tambay ako sa computer room namin (sabay Friendster nung nagka-Internet.) Impluwensya din ng mga pinsan ko kung bakit ko napili ang kursong ‘to. First year college ako nung ni-take ko ang Computer Programming1. ‘Yan ang isa sa unang major subject naming. C++. “Huh? Ano ‘to?” Ganyan ‘ata reaksyon ko dati dahil ang daming unfamiliar words akong naririnig at syntax na hindi ko agad naintindihan. Nangapa talaga ako nun. Tapos, ngayon, 2012 na. Third Year BSCS ComSci student na ako. Akalain mo. Hehehe!





Oo, third year na ako. Happiness. J  Uhm, kaya nga lang, ang dami ng nawala sa amin kaya masasabi ko na maswerte ako at nakaabot ako sa taong ito. Nawala na ang mga mushroom boys na pasulpot-sulpot lang sa klase. Minsan, papasok, minsan, biglang mawawala ulit sa klase. Nabawasan ana mga maiingay at ‘ung tipong laging bukambibig ang “come what may”. Nabawasan ang mga magaganda. Hahaha!


           
 Ang buhay naming third year CS ngayon, mahirap. New year level, new teachers, new projects. At habang dumadaan ang mga araw, nadadadagan ang natutunan. Ang dami kailangan gawin mapa-major o minor subjects. ‘Yung minor subjects nga, ang daming requirements so hindi na talaga pwede pa-easy-easy lang, dapat balance din. Dama na talaga ang pressure. May thesis na din kasi. Kailangan ng makaisip ng title na patok para hindi mapagaya sa isang writer na maaring i-reject ng editor ang kanyang sinulat dahil may mali ito o dahil hindi maganda. Hindi lang ito basta research na magsa-survey ka lang. Kailangan  makapagdevelop ka ng system o kung imba’t natatangi ka talaga eh pwede ka talagang magimbento ng bago.


              Isa pang mahirap, hindi ka lang dapat marunong sa programming. Kasabay ng pagde-develop ng software ang paggawa ng documentation. Hindi pwedeng wala ito dahil ang computer programs is always associated with documentation. Dapat maayos ito para malinaw na mai-state ang scope, purpose etc. ng proyektong ginawa mo. So, kung pipili ka ng partner mo sa paggawa ng thesis, it is better na ang isa inyo ay mas magaling sa programming, then ‘yung isa eh magaling sa paggawa ng documentation. At dahil nga thesis, malamang may defense.  Sabi pa nga ng isang prof., magbaon daw sa bulsa ng “English” sa title defense namin. Bukod dito, kailangan na marunong kang mag-analyze, ‘yung maiisip mo o mapo- forecast ang pwedeng mangyari after few years habang nagdedevelop ka ng software dahil na din sa ang requirements ay nababago due to the fast changing demands. Uhm, kaya pa ba? Kakayanin sir. Hehehe!
             

Ang Komsay






                                                                                    adferaer
                                                                                   200910770
Uhm, puro anxiety, demands, stress at kung anu-ano pang words na kauri nito, lalo na ‘pag malapit na ang finals week. Bawat sem, laging may rush. Pero, andun din 'yung tulungan factor. :) Hayz…Super delight kapag nakatapos ka ng isang proyekto. Yey! Nakasurvive ka na kaya tuloy-tuloy lang dapat. Go CS3-1!

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento