Pages

Subscribe:

Sabado, Pebrero 25, 2012

Battle for your Thesis?


Thesis.

            It is a document submitted in support of candidature for an academic degree or professional qualification presenting the author's research and findings. Ito ba ‘yung parang libro na kulay asul ang cover na makikita sa silid aklatan ng CvSU? Ang author? Ang researcher. Studyante. Ibig sabihin, gagawa din ako n’yan. Ako mismo. (Di ba nga, I’m starting na.)

Whew! Thesis.

Ang dami kong naisip na pwedeng gawin. Eh, pagsipat, puro pang-IT pala. Hex. Dito dapat pala kami magbase ng study namin.

  • cloud computing
  • empathic and ubiquitous computing
  • virtual reality
  • artificial intelligence system
  • computer-based game development
  • fuzzy logic

So, ayun, isip ng bago. Hirap nga eh. Kasi puro IS ginagawa namin before so, research, advance study na lang. :D



Unang step. Nagresearch. Anong meron na? Anong wala pa? Kailangan din muna syempre magdecide kung ano ang research area mo, so, choices namin ang cloud computing, AI system and computer based development. I visited the site of DLSU and UP tapos nagpunta kami sa DLSU Taft. (Infairness, ayos ang library nila and approachable ang mga tao. Hehe.) Sa DLSU eh may nakita kaming theses na ang “main ingredient” ng study nila is voice detector. Hanggang sa naisipan namin na ang idea ‘bout voice recognition eh i-apply sa isang game And tadahhh... Nabuo ang title na “Maze Game Using Sound/Voice Recognition.” Medyo sablay pa grammar namin d’yan. Hex. Approved naman. Ayusin na lang pati ‘yung capsule na tinatawag. My partner and I are going to develop a maze game. Voice ang gagamitin for commands. And, I believe, kaya namin ‘yun. (Pero, until now, nag iisip ako ng iba pang game.)

Adviser? Technical critic?  Sa tingin ko, isa sila sa mga unang kailangan hanapin dahil kailangan ang advices at suggestions nila. Uhm, may nabasa ako from http://www.evl.uic.edu/spiff/fear/thesis/index.html, ang sabi, “The thing to remember is that you must learn to find a path and follow a path by yourself. Your advisor can only help you find the path and help you learn to find a path. Then it is entirely up to you to walk the path. You are only ready to graduate when you can do all of this by yourself. If you need your adviser to tell you every next step then you are NOT ready to graduate.” Tama nga naman! Hehe.

We also need to decide what ‘algorithm’ we are going to use. Sabi nga, ito ‘yung ide-defend namin. Specified methodology is also needed, malamang. Uhm, to avoid getting lost in the mass of information while seeking out greater depth, dapat may list of references.

Sa ngayon eh kailangan namin ng magandang description ng aming title, objectives at scope. Kung pair ang gagawa ng thesis, like what Ma’am Nosa said, dapat isa sa inyo eh magaling magcode while the other one is good in making documentation pero dapat pareho kayong gagawa nito. Kasi, like what Sir Louie said, though mas madali nga ‘pag ganun, mag-iintayan naman.

Ano pa ba? Money. Oo, kailangan n’yan. Paprint nga lang ng front page, piso na. hahaha!

Kailangan ng isang matinding preparation, hindi lang ‘yung namention ko above.
Sa lahat-lahat na kailangang ihanda, eh sarili dapat talaga ang unahin. H’wag isiping mahirap. H ‘wag sabihinh hindi kaya. Dahil with proper motivation, gaining enough knowledge and through His guidance (Amen!), matatapos ang thesis na ‘yan at makakagraduate kami.:D



adferaer
200910770



(Our thesis preparation)
acknowledging my thesis partner

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento