Pages

Subscribe:

Sabado, Pebrero 4, 2012

My Plans and Ambitions after Graduation


           March 31, 2020, around three o’clock in the afternoon, I’m on a rush. Today is a grand reunion for BSCS batch 2013. I’ll be late! (Just like the old days. J) The IT company where I’m employed sent me to London to attend in a very significant conference four days ago.

            Hahaha! ‘Ayan daw ang eksena after how many years. Saya isipin. J Tapos, after ng ilang years pa, mas maganda pa ‘yung pwedeng maging job.

            Uhm., pero, bago ang lahat, pag-usapan natin ang plano after graduation. Usually, ganito ang nangyayari kapag naka-graduate ng kolehiyo ang isang estudyante. Babasahin ang classified ads sa newspaper. Magrereserarch sa internet. Mag-iikot sa iba’t ibang lugar. Magpapasa ng resume personal o through online. Malamang ma-e-experience ko ‘yan. Mararanasan ko din ma-reject, uhm, minsan lang sana.

            Sabi ko nga, ‘pag natapos ko ang kursong Computer Science, mag-aaral ulit  ako. Pwede akong kumuha ng units para sa education para pwede akong magturo. Pwede naman na mag-law ako. Pangarap ko dati maging lawyer. Naks! Kaso, parang ayaw ko na din. Dati kasi, ayaw ko na natatalo ang katwiran ko, ngayon naman, tahimik na lang ako, emo- emohan kumbaga. Hahaha! Pa’no na ako magiging lawyer nun? Tsaka, ayaw ko na magkabisa ng sandamakmak. Simula ng magComSci ako eh parang ang hina ko na pagdating sa memorizing of something. And, ano namang laws ang pwede kong gawin?

            As a Computer Science gradute naman, ano kayang pwede kong maging trabaho? May nagtanong sa’ken kung magaling ako magprogram. Sabi ko hindi, mabagal ako. Ok lang daw ‘yun kasi madaming trainings para sa mga future programmers. Willing naman ako mag training tsaka malamang, kailangan ‘yun. So, ayun, pwede maging programmer.

            Software Engineer. ‘Yan ‘ata ang trabaho ng pinsan ko. Gusto ko ding maexperience. Software Engineer si Anjhe? Bigtime. So, kailangan ko pala mag-aral mabuti sa Software Engineering naming subject. Gusto ko din mag design ng web page, ‘yung mamamangha lahat ng makakakita. Hehe. Pwede mag apply sa Accenture, Headstrong at madaming madami pang iba. Gusto ko nga din maexperience magtrabaho sa Lenovo eh. Lenovo kasi ‘tong laptop ko (na para daw chopping board sabi ni Sir Louie. Hehehe.) Naisip ko lang, kung hindi dahil sa Lenovo, hindi ako nakapagpractice para sa mga lab activities namin sa Java, hindi kami makakapag gawa ng project sa DBMS sa school, at hindi ako payapang makakagawa ng blogs sa buong sem na ito.J

            Gusto ko din makakuha ng certificates from Cisco, Microsoft and many more. Asset ‘to. Uhm, like what I’ve above, gusto ko din magturo. Madami akong gustong ‘maging.’ Haha. Wala namn masama mag-ambisyon, sabayan na lang ng pagsisikap para maaccomplish lahat. Naks. Para ‘pag naging s successful na ako, mabibili ko na lahat ng gusto ni Nanay, pwede kong ipagshopping at ipag-grocery sina uncles and aunts, ibibili ko ng high tech na gamit mga pamangkin ko. Haha! Saya saya.
 


            “Mangarap ka at abutin mo ‘to. Wag mong sisihin ang sira among pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis. Kapag may pagkukulang sa’yo ang mga magulang mo, pwede kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka. Mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Rebeldeng walang napatunayan at walang bait sa sarili.” – Bob Ong






adferaer
200910770

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento